Wednesday, February 21, 2007

Pag-Alis...

Hayyy!
One week na lang kami dito sa bahay... next week lilipat na kami. After seven years, lilipat na naman kami. Hindi ko alam kung ano'ng mararadaman ko, masaya ba ako dahil lilipat kami sa panibagong bahay... mas malaki at mas maganda kaysa dito? Malungkot ba ako dahil napamahal na sa akin 'tong bahay na 'to... ang environment, ang atmosphere.
Naaalala ko pa, noong unang araw ko sa bahay na 'to... malungkot ako, syempre namimiss ko yung dati naming bahay dun sa Tanza. Isa pa gusto kong magreklamo noon sa parents ko... bakit kasi hindi man lang nila hinintay na maka graduate ako ng high school, tuloy pagod ako araw araw dahil pabalik balik ako from here to Tanza, from Tanza to Las PiƱas... di pa naman ako sanay noon sa biyahe... sobrang stressfull nun, ha!
After seven long years... heto na naman kami...
Mamimiss ko for sure ang room ko...
Sana maging at home kaagad dun. Sana kasi ng tahimik din ng lugar na 'to ang lilipatan namin. Sana madali akong makapag adjust.

No comments: