Wednesday, February 21, 2007

I'm 100% Single

Hurray! Malapit na naman ang Valentine's Day... kaso kasing lamig ng weather ang lovelife ko...joke! Hehehe, eh ano naman ngayon kung single ako, kung wala akong kayakap this coming Valentine's Day. 'Di naman big deal sa akin yun. Actually, mas enjoy ako being single. I don't know why? Kung 'yung ibang kabataan, parang mababaliw kapag walang lovelife, ako naman hindi talaga big deal na wala akong lovelife.
Naka focus ako lagi sa mga goal ko sa buhay... thats the most important thing for me. Lovelife? Makakapaghintay naman 'yun... at hindi 'yun hinahanap or hinihintay, dahil kusa yon dumarating sa tamang panahon. Big deal sa akin ang magiging future ko and I think tama naman ang daang tinatahak ko.
Isa pang masarap sa pagiging single, 'yung wala kang iniintinding ibang tao... walang pinagkakaabalahang ibang bagay like 'yung pagbili ng gifts for X-mas, New Year, Valentine's, Anniversary and Monthsary and etc...etc(kuripot forever!).
Basta... masarap maging single, eh ano kung wala akong ka-Valentine's... nandyan naman ang family ko, ang mga friends ko... with them and their love, hinding-hindi magiging malamig ang bawat araw sa buhay ko!
I'm 100% single and I love it!

No comments: