Whew! At last nabisita ko rin ang friendster. Almost one week din akong di nakapagsulat sa blog ko. Sobrang nakakapagod 'tong week na 'to for me...grabe, nakakadrain ng utak. Ang daming work sa office, parang di maubusan ng gagawin. But sometimes, I find it good din naman, paminsan-minsan kailangan din naman nating ma-challenge. Kailangan ko na rin sigurong mag vitamins, sa panahon ngayon, bawal ang magkasakit(commercial?).
Na-miss ko 'tong computer ko, although puro computers din naman ang kaharap ko sa office, iba syempre 'tong cp ko. I call it my "cyber friend". 'Pag wala akong magawa or kapag problematic ako, harap lang ako sa cp, mag internet o kaya magdesign ng webpage. Minsan kapag nasa mood ako, nagsusulat ng mga short stories and novels. Parang therapy ko na yon. Actually matagal na akong gumagawa ng mga short stories and novels, way back in high school pa. Ang sarap kasing magsulat, feeling ko, para akong puppeteer... ako ang nagpapagalaw sa mga characters, ako ang magdidikta sa mga susunod at dapat mangyari sa istorya. Of course, sa akin din nakadepende ang ending... sad or happy ending? Pero mas madalas, mas pinipili ko ang sad endings para sa mga ginagawa kong stories. Don't get me wrong ha! 'Di ako sadista or kill joy at lalong di ako bitter. Basta! Para kasing mas realistic kapag sad ang ending lalo na ng isang love story. Mas madrama, mas okay! After all, in real life naman, almost lahat ng love stories nage-end up sa 'di maganda. Of course, lahat tayo positive sa ganoong mga bagay. Sino ba namang tao ang gusto ng sad ending sa buhay n'ya, 'di ba? But lets face it, no matter how hard we try na gawing maganda ang mga bagay-bagay sa buhay natin, darating pa rin yung pagkakataon na masasaktan tayo. But it's okay, it's part of our lives. 'Di naman natin maiiwasan yun, eh. 'Di naman natin hawak ang fate natin.
I remember, ang very first novel na nagawa ko ay isang love story, entitled "Dear Campus Crush". Actually ginawa ko sya noong 2nd year high school pa lang ako, at natapos ko sya noong senior na ako. Ang sarap sa feeling kapag magaganda ang feedback ng mga nakakabasa sa story mo. Naaalala ko tuloy si Marineth Satimbre(nasaan na kaya sya ngayon?), a friend na sobrang nakagusto sa novel kong 'yon. Sobra syang kinikilig kapag binabasa nya yon, haha! Nasa akin pa rin yung letter nya, saying na kapag naging sikat na writer na ako, sya daw ang number 1 fan ko. Kung alam nya lang how much it means to me. Kung gaano kalaking bagay para sa akin ang pagsuporta nya. Isa siya sa nagturo sa akin kung paano mangarap at kung paano tuparin ang mga iyon. 'Di man ako naging writer, patuloy pa rin akong magsusulat, dahil alam ko, marami pa ring naniniwala sa kakayahan ko.
Wednesday, February 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment