Naalala ko everytime na makikita kita lagi mo akong nginingitian, hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin ng mga smile na 'yon pero masaya ako kapag nakikita kitang naka smile. At kahit madalas, 'di kita pinapansin, lagi kitang nahuhuling nakatitig sa akin, hindi ko rin alam kung ano'ng kahulugan ng mga titig na 'yon.
Alam ko maka lang beses ka na ring nag try na na lapitan ako, na kausapin ako... pero ewan ko ba, hindi ko alam kung mas gusto kong malayo sa'yo? Tuloy, hindi man lang kita nabigyan ng chance na maging friend ko.
Pero bakit kaya noong alam kong wala ka na... na hindi ka na nag eexist sa buhay ko, bigla akong nalungkot. Bigla, hinahanap na kita... ang matatamis mo ng smile sa akin... ang mga titig mo... ang laging paglapit-lapit mo. Bakit ngayon hanap-hanap na kita?
Tuloy nanghihinayang ako... nagsisisi. Sana pala nasuklian ko rin ng ngiti ang mga ngiti mo sa akin. Sana pala tinanggap ko ang pakikipagkaibigan mo... hindi sana ako nanghihinayang ngayon... nagsisisi... kung kailan wala ka na.
Wednesday, February 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment